Insomniac
Insomniac
Umatake na naman insomnia ko.. Talagang di ako makatulog, kahit idlip lang.. kaya eto napagtripan ko na naman ang blog ko.. I made minor changes.. na di ko alam kong nagpabuti o nagpasama sa pangit kong blog..
Niweis, namomroblema ako ngayon kase I have a long day ahead of me at dahil nga di ako nakatulog, di ko alam kung makakayanan ko ang buong araw na to.. malamang nyan mangyayakap na naman ako ng random na tao kapag nakatulog ako sa kung saan.. (malas nyo!!!!)
Birthday ni tita ngayon at kailangan kong tumulong kahit tagahugas lang ng plato.. (sus, un naman ang role ko lagi.. dishwasher.. sa ilang taon ng T.H.E namin un lang ang task ko.. maghugas (at magbasag!..Sorry sa mga nabasagan ko!!) ng plato.. Bakit?.. Syempre kase di ako marunong magluto!!!! Ahahahaha..)
Kailangan ko na rin pala ireformat ung pc ngayon kase mukhang navirus na naman to.. nagko-connect sa net mag-isa... Mga pesteng Virus yan! Peste? Virus?.. Sorryy.. tinatablan na ko ng antok..
Tapos pag minalas pa, ngayon matutuloy ung interview ko sa Oakley..edi ayos, masarap siguro matulog sa office nila.. Air-Con!
Aun lang.. Ho-hum.
Buti na lang alang pasok ngayon.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home