<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/29154072?origin\x3dhttp://chiklutzy.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
ABOUT


JES.
trainee
072985
twenty-one
ad addict (:


WISHLIST


Digital SLR/10 MP Point & Shoot Digicam
Nokia N95/SE Walkman Phone
Advertising Books
Photography Books
SiteGrinder 2 software
2GB Flash Drive
Dual Core Desktop/Laptop
White Choco Mocha Iced
Chucks na bago
CK One Electric

LINKS


friendster ko
TJ
Lovel
Joy
Julian
Ara


TAG







THE PAST





Thanks


Designer
Brushes
Photobucket
ImageCabin


Monday, September 18, 2006

Nabadtrip Talaga Ako Kanina..

Nabadtrip Talaga Ako Kanina..

Nabadtrip talaga ako kanina.. ewan ko ba, di ko maexplain..cguro kasi na-disappoint ako, kc talagang di ko inaasahan na magiging ganun reaksyon nila.. yan talaga ang mahirap pag sobrang binigay mo ang best mo sa isang bagay tapos, in the end parang mababalewala lang.. Siguro kasalanan ko rin kase masyado akong natuwa sa pag-iisip nun.. to the point na di ko na ginawa ung thesis ko na supposedly ay mas dapat kong pagtuunan kase sakin un, grades ko nakasalalay dun.. Pero ewan ko ba.. aun mas binuhos ko ung time ko dun sa isa.. sa pag-aakala na makakatulong un para mabuhayan ang mga tao kase parang ang hirap simulan ng isang un.. Wala lang, naisip ko lang na talagang gagawin ko best ko para umusad ang mga pending na gawain.. Humingi pa ko ng tulong kay Lord kase talagang gusto ko syang magawa.. tapos un nga.. ang saya kase biglang may dumating na idea.. Ewan ko ba masyado talaga akong natuwa kase sumakto siya sa hiningi kong sign kay Lord.. grabe sa sobrang excited ko di pako makatulog nung gabi… Akala ko talaga okay ung idea.. Akala ko talaga un na un e.. Akala ko talaga makakatulong un..

E hindi pala..

Ang OA ko na.. Kaya nga ako naiinis e.. Di ko dapat nararamdaman to kase nagiging unfair ako sa kanila pati na rin sa sarili ko. Para kasing ang iniisip ko lang e ung side ko.. Di na nga ako nakinig sa mga suggestions nung iba kanina kase siguro pinangungunahan ako ng pagkaselfish ko.. Iniisip ko kase binigay ko best ko dito tapos ganun lang.. I don’t really care kung matanggap siya o hindi.. ang point e clueless ako kung ano talaga ang naging lagay ng ginawa ko..

Mahirap lang kasi magmove-on kapag di mo alam kung bakit ka napahinto in the first place..

Whatever.. alam ko nag-iinarte lang ako.. masyado lang ako nadala ng isang to. Ay nako ganyan lang talaga, kase minsan lang maging determinado palpak pa.. haha.

Grabe naiinis talaga ako sa sarili ko kase ang kitid ng utak ko! Parang ang lumalabas gusto ko ako parati ung tama.. Hala, parang nagiging si Ch---- nako! EPAL AKO! EPAL AKO! Pero pramis di ganun, di ako ganun! Hindi ako sarado sa ideas ng iba.. far from.. grabe mas masaya nga ako pag nananahimik lang ako sa isang sulok kase kahit kelan wala talaga akong tiwala sa mga pinaggagagawa ko.. palagi ko ngang sinasabi.. kailangan ko ng assurance ng ibang tao para maniwala ako na may sense ang mga ginagawa ko..

Nagkataon lang talaga kanina, kakaiba, kase naniwala ako na ok ung ginawa ko.. kase naman yang sign na yan.. kaso un nga…

Ah whatever, I am the villain here and I deserve no sympathy.. kase hinayaan kong kainin ako ng pride ko, ng pagka-selfish, pagkamayabang na rin at pagkakitid ng utak..

Kaya un SORRY sa mga naapektuhan ng kaartehan ko kanina… buti na lang medjo natauhan nako bandang hapon.. buti na lang talaga, kase gusto ko nang sapakin ung sarili ko kanina.. bwisit kase.. nakakainis.. na di ko mapigilang maramdaman un kahit alam kong wala ako sa lugar.. Isip bata! Nag-tantrums ba...

SORRY PO TALAGA.. SORRY, SORRY, SORRY,

I just needed to get this out.. pero wala na un.. Ako lang may topak dito.. Ako mali..

Sowee po. Y_Y

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home