I am trying to move on..
I am trying to move on..
aun, di ko napansin.. 21 na pala ko next week.. naalala ko lang nabanggit kasi ni raymond nung isang araw..
ang tagal ko na rin palang di nagpopost dito.. kasi naman bigla nako nawalan ng gana pagkatapos ng mga ilang pangyayari sa nakaraang mga araw..
aun, mas masakit ma-realize na halos palaging tama ang mga kasabihan.. "nasa huli ang pagsisisi.." ganun talaga. sa totoo lang logical un di na dapat pa "ma-realize" kase yun yon. alangan naman magsisi ka sa umpisa di ba?..
pero un, panahon na siguro para grumaduate sa pagiging tamemeng bato.. huwag nang hintayin pang mawala ulit ang mga taong malapit sayo.. laging nasa huli ang pagsisisi.. pero walang huli kung naagapan na.. maaaring may katapusan pero kung may ginawa ka edi walang pagsisisi..
sa ngayon.. kailangang magpatuloy.. mahirap pero kailangan.. para sa ikasasaya nya..
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
ikaw naman kase La, bakit di mo na inintay graduation ko kala ko pa naman sasamahan mo ko sa stage.. e kaso birthday ko nga di mo na naintay.. birthday mo nga di mo naintay.. wala lang nakakalungkot lang.. dapat masaya tayo sa march..
sa ngayon di na ko sigurado kung matutupad ko pa pangako ko .. sa totoo lang, ang magpatuloy lang mahirap na.. pero susubukan ko pa rin.. para masaya tayo sa march..
sayang lang.. mas masaya sana kung nandito ka..
pero ang importante masaya ka na jan di ba?.. kaya masaya na din kami dito..
alam namin na parati ka rin nandito kasama namin..
dalaw ka naman minsan!... hahaha kung ayaw nila sa kin ka nalang dumalaw..
hahaha.. alam ko ikaw ung nagbukas nung ilaw sa may hagdan.. ikaw talaga hanggang ngayon iniisip mo pa din na malalaglag ako dun.. hahaha..
mdjo kinabahan nga ako nun.. syempre di naman araw-araw na bumubukas mag-isa ung switch diba.. pero nasip ko nga na ganun, na para bumukas ang switch kailangan may pumindot.. at meron nga.. malamang ikaw un.. kahit di kita nakikita.. alam ko ikaw un.. hahahah..
kala mo naman matapang ako.. e super duwagis nga ako.. haha
pero un, alam ko namang alam mo un..
cge.. "hi" mo nalang ako sa kanila jan, pakisabi kay Enang advanced happy birthday! uy 21 na kami.. kaya lang siya mukhang bata pa rin ako mukhang isip bata na lang.. hahaha.. ^_^

1 Comments:
Happy B-day Jeslie!
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home