Minsan na nga lang mag-feeling eh..
Ganito kasi yon, kaninang tanghali nagpaload ako malapit sa skul. Edi un, usual routine pag nag-papaload, sabihin sa taga-load kung globe/smart/sun o kung anumang telecom mo, sulat ang cel number, tapos ung amount.. edi un sinulat ko nga sa notebook nila kaso sinabi nung nagloload na delayed daw ang e-load ng globe ngayon.. kaya sabi ko ipasok na lang ung load di ko na iintayin ung confirmation message.. kumbaga may tiwala naman ako na di sila manggogoyo.. pumayag naman..tapos un, umalis na nga ako kasi ang alam ko 12 pm ang klase namin e past 12 na nung mga oras na un.. syempre ayoko ma-late natatakot ako kay sir!! Edi un nga, umalis na ko..
Dumaan ang ilang oras, si load, wala pa rin.. Ni ha, ni ho, walang anuman mula sa Globe.. naiinis na ko ng konti kse kailangan ko nang itext ung taga-oakley para iconfirm ung informal interview ko sa kanila. Pero sige hinayaan ko lang, sinabi naman nung taga-load na delayed ang Globe ngayon..
Ilan pang oras, wala pa rin.. Cge lang..
Uwian na.. aba sobra na to!!! Nagoyo na yata talaga ako! Badtrip na talaga ako nun at pagkagaling sa beato e dumiretso na ko dun sa pinag-loadan ko nung tanghali.. Pagdating ko iba na ung tao dun, wala na ung taong taga-load kanina!.. edi lalong badtrip!..
Edi nagreklamo na ko, tapos tinanong nung bagong tao ung number ko.. hinanap sa notebook.. nagtaka ko sa nakita ko:
(parang ganito ung itsura nun.. pero di ito un ah..;p)

Nakasulat dun sa tapat ng number ko: Ang Cute Talaga nito, Grabeh!! Nung unang pagkakita ko nun, naisip ko aba, ano to?.. tapos, parang nakalimutan ko na badtrip ako..
Aun, di ko matanggap.. mukhang sa utak ko nagfe-feeling ako! Aba, napagkakamalan din pala akong tao!! Hahahaha.. Ako kase un tipong kahit kelan di marunong tumanggap ng kahit anong klaseng compliment kase iniisip ko parati binobola ako nito, sigurado may hihingin tong favor o kaya naman e pinagtritripan ako nito.. Oo, masamang ugali nga un pero ewan, cguro defense mechanism ko lang un.. kase masyado na kong uto-uto sa ibang bagay huwag na pagdating dito.. Tsaka, wag kang makapal aso ka lang!.. Kaya un, hindi talaga ako naniniwala sa kahit anong pagpuri lalo na pag kakilala ko ung tao..
Pero nung makita ko ung nakasulat sa notebook parang.. napa-isip ako..haha..
Kase, siguro di ko kakilala (di ko nga alam kung sino) ung nagsulat nun..
Kaya, aun nga dahil natuon ako dun sa notebook, medjo nawala ung badtrip ko at di nako nagreklamo ng todo.. Nag-try ulit na isend ung load sa cel ko pero ayaw pa din.. topak talaga na globe yan! Kailangan ko ng load!.. Dahil nga topak talaga ang Globe,binalik na ung binayad ko at un nag-thank you pa ko bago umalis.. (aba, bumait..)
Habang naglalakad ako naiisip ko.. Tao pala ako! Tao pala ako!..hahaha..
After ko maglakad ng mga isang kilometro at nakasakay nako sa jeep.. bigla kong na-realize: PUCHA! Tanga ka talaga! SARCASTIC ung nakasulat sa notebook! Nabanas ung taga-load kaninang tanghali kaya nya sinulat un! Pwedeng sa lahat ng mga nagpa-load ako lang ung di makareceive ng load.. kaya.. NAKAKAINIS AKO!
Malamang sa malamang ung ibig sabihin nun e ito: ANG SARAP MONG TIRISIN PAHIRAP KA UGOK!!..
Tama, kaya dun pa talaga sinulat sa tapat ng number ko.. dahil alam na babalik ako dahil di ko nareciv ung load. Kumbaga, nilagyan ng palatandaan (eto ung bwisit kanina!) dahil nga nagpalit na sila ng taong taga-load..
Hahaha.. aun, nung na-realize ko na tanga ako at walang sense ung nakita ko kanina, e natawa na lang ako.. Hahahaha.. Ang babaw kase!.. Yan ang napapala ng epal! heheheheheh..
Tsk, minsan na nga lang ako magfe-feeling eh.. Pahiya pa!!! wahahahahaha!!
LESSON LEARNED: Kahit kelan, wag kang magfe-feeling, kahit sa utak mo lang, kase di gawain ng ASO ang MAG-FEELING! Hahahahaha!
Tama?.. TAMA!
Arf, arf!