Nostalgia hits hard..
The last birthday party I've spent with Enang..Wow ang liit pa ni Halston dito, si Tita Nilda ampayat pa! Nakakatawa kase naaalala ko dito na di pala ako ang original "klutz"! Si Enang pala un! Dati pala taga-tawa lang ako..
Eh ngayon.. sus. mas malala pa ang mga nagagawa ko jan..
May makakatalo kaya sa record ko ng mga nabasag na plato, natabig na mga bagay, times na nadapa, at nalaglag sa hagdan?.. hmm..
Miss u na Enang!!

Eto naman, sa Antipolo, ang saya-saya pa ng lahat dito.. (di katulad ngayon.. saaddd)
Sa pagkakaalam ko may tama ako dito. halata naman dahil namumula ako..
Ganun naman ako ilang bote lang lashing na..
Sush.
At nakuha pang magpa-picture
Eto.. bangag pic.. nung second year yataMagagalit si Kan pag nakita nya toooo!
Ang bangag talaga ng itsura!..
Pero, eto, eto talaga ang dahilan ng post na to..SI GODRICK!!!
Nakakaiyak.. pumanaw na siya last Tuesday!!!
Habang nangangarag ako nun sa GMA, eto naman palang si Godrick naghihingalo na sa heatstroke!! huhuhu..
Pramis naiiyak ako! Kahit na ambaho ni Godrick at mukha siyang utak namimiss ko siya..
Naalala ko.. 2 lang silang natirang anak ni Lilac.. ang liit liit nila para silang daga.. namatay ung kapatid ni Godrick na babae.. kakalungkot talaga.. kaya pinagdasal ko pa talaga na sana lumaki si Godrick tulad nila Lilac.. nakakatuwa kase talagang natupad un.. ang laki laki na nga nya cute pa tsaka bibo..
Hala.. tapos naalala ko din ung tym na pinapakawalan namin sya sa bahay.. tuwang tuwa si lola sa kanya.. si lola na ayaw talagang magpagala ng aso sa bahay.. pero un di rin matago ni lola na natutuwa siya kay Godrick.. Tapos tinuturuan pa ni Jasmin si Godrick ng mga tricks.. ung apir tska roll-over hahaha..
May video pa si Godrick na nakunan nila Jardine.. bitbit nya ung panty ni mama hahahaha.. Nakakatawa kase talagang gumala pa siya dala ung panty ni mama sa bibig nya..
Si Godrick din ung usual subject ko nung PHOTO 2.. kaiyak.. pag tinitingnan ko ung mga photos..
Si Godrick na mukhang golfball ung bibig, na may cute na hazel eyes, na nakalunok ng sulfur soap at natrauma pero nakasurvive pa rin hahaha.. na may malambot na paa, mukha, at ilong, na may matabang buntot, at chocolate brown na balat, na mabaho at mukhang utak dahil kulubot kulubot ang balat,
na sobrang luv ko pla at NA-MIMISS KO NGAYON!!!
huhuhuhu pramis naiiyak ako..
wawa naman si Godrick..
Ma-mimiss kita baho!!..

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home