ano na naman ba ito?
Hala.. ano na naman ba ang nangyayari sakin?
Isa na naman bang katangahan to?
Remember..
Not too close..
a rule of thumb..
Aun lang.
**********************
Past week events..
-Ayun, Ymon left na for Italy.. SADDDDDDD!! T_T
Naiiyak ako everytime nakikita ko ung pics and videos sa cam.. huhuhu
-Nilagnat ako at nag-absent ako sa "work" ng isang araw..
-Hinawaan ko ng bayrus ang lahat ng tao sa GMPI at halos lahat sila ngayon ay either sumisinghot o inuubo na.. Kakahiya ako!
-Naranasan kong magtatawag ng mga tao sa loob ng 2 araw.. and what can i say?.. Hmm.. Sorry wrong number!! haay.. pucha nman oh, ang hirap talaga ng feeling ng "nare-reject".. awch... tsakit.. kahit di ko naman sila kilala... har-har.. drama!
-Feeling senti na naman ako nitong nakaraang week.. ewan ko ba.. feeling alone na naman ako at kawawa (thus, the "under construction" post.. hehe).. ewan.. siguro kasi parang nag-aalisan na naman silang lahat.. yung mga taong naging malapit sayo ng sobra.. sila pa yung nawawala.. Hay.. utak ko talaga..
-Buti nalang at pumayag si Kan na lumabas nung Friday.. nabawasan ang pagddrama ko.. Tuloy kami ni TJ sa Sesem North after ng GMA para kitain si Kan.. Nood sana kami sine kaso na-late na kami dahil antagal namin sa Pizza Hut.. kaya ayun nagsleep-over nalang sila Kan at TJ sa bulok naming bahay after magdramahan sa Seattle's sa The Block.. Sorry nga lang dahil boring at bulok ang bahay namin (ako din boring at bulok! har-har!..) kaya ang naging ending ay nagtulog na lang kami after magsawa ni Kan sa kakalaro ng "Bully" at ni TJ sa kaka-internet.. kinabukasan eh nagbalak na naman kami na kunin ang gradpic kaso tinamad na naman kami kaya nagpicturan nalang kami at nanuod nalang ng walang kasing boring na Maynila starring Rainier as "stalker" and Yasmin as "pakipot" (at nakuha naming tapusin to! har-har! jologs.. whahha.. epal kasi ang gulo ng cable namin eh.. and wala ding mapanood na dibidi..). Hindi rin namin nakuha ang gradpic kasi kinailangan maglinis ni Kan ng kwarto.. sayang sana di ko nalang sila pinaalis agad kase nagprepare si tita ng halo-halo sana kumain nalang kami at gumaling na ang tonsilitis ko (para matuluyan nako.. galeng.. lubusin na! wahaha)..
-Namimiss ko ung Siberian Husky doon sa Bio Research sa Sesem..
Ang kyut! Akin ka na lang!
-Pero si Mini KYUT (Nini black nose!) pa din lab ko! Sana wag muna syang sumunod kila Gaddy..
-Wala na naman akong sense..
-As usual "ala lang" na naman ito..
-Sana next week di na ako senti, di ako ma-late sa work, at ma-figure-out ko na kung ano naman ang nangyayari sakin..
************************************
-Good Luck sa mga may panel interview sa Leo sa Wednesday.. TJ, Lovel, and Pau! Astig nyo! Yakang-yaka yan!

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home