<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/29154072?origin\x3dhttp://chiklutzy.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
ABOUT


JES.
trainee
072985
twenty-one
ad addict (:


WISHLIST


Digital SLR/10 MP Point & Shoot Digicam
Nokia N95/SE Walkman Phone
Advertising Books
Photography Books
SiteGrinder 2 software
2GB Flash Drive
Dual Core Desktop/Laptop
White Choco Mocha Iced
Chucks na bago
CK One Electric

LINKS


friendster ko
TJ
Lovel
Joy
Julian
Ara


TAG







THE PAST





Thanks


Designer
Brushes
Photobucket
ImageCabin


Sunday, April 29, 2007

ano na naman ba ito?

Hala.. ano na naman ba ang nangyayari sakin?

Isa na naman bang katangahan to?

Remember..

Not too close..

a rule of thumb..

Aun lang.

**********************

Past week events..

-Ayun, Ymon left na for Italy.. SADDDDDDD!! T_T
Naiiyak ako everytime nakikita ko ung pics and videos sa cam.. huhuhu

-Nilagnat ako at nag-absent ako sa "work" ng isang araw..

-Hinawaan ko ng bayrus ang lahat ng tao sa GMPI at halos lahat sila ngayon ay either sumisinghot o inuubo na.. Kakahiya ako!

-Naranasan kong magtatawag ng mga tao sa loob ng 2 araw.. and what can i say?.. Hmm.. Sorry wrong number!! haay.. pucha nman oh, ang hirap talaga ng feeling ng "nare-reject".. awch... tsakit.. kahit di ko naman sila kilala... har-har.. drama!

-Feeling senti na naman ako nitong nakaraang week.. ewan ko ba.. feeling alone na naman ako at kawawa (thus, the "under construction" post.. hehe).. ewan.. siguro kasi parang nag-aalisan na naman silang lahat.. yung mga taong naging malapit sayo ng sobra.. sila pa yung nawawala.. Hay.. utak ko talaga..

-Buti nalang at pumayag si Kan na lumabas nung Friday.. nabawasan ang pagddrama ko.. Tuloy kami ni TJ sa Sesem North after ng GMA para kitain si Kan.. Nood sana kami sine kaso na-late na kami dahil antagal namin sa Pizza Hut.. kaya ayun nagsleep-over nalang sila Kan at TJ sa bulok naming bahay after magdramahan sa Seattle's sa The Block.. Sorry nga lang dahil boring at bulok ang bahay namin (ako din boring at bulok! har-har!..) kaya ang naging ending ay nagtulog na lang kami after magsawa ni Kan sa kakalaro ng "Bully" at ni TJ sa kaka-internet.. kinabukasan eh nagbalak na naman kami na kunin ang gradpic kaso tinamad na naman kami kaya nagpicturan nalang kami at nanuod nalang ng walang kasing boring na Maynila starring Rainier as "stalker" and Yasmin as "pakipot" (at nakuha naming tapusin to! har-har! jologs.. whahha.. epal kasi ang gulo ng cable namin eh.. and wala ding mapanood na dibidi..). Hindi rin namin nakuha ang gradpic kasi kinailangan maglinis ni Kan ng kwarto.. sayang sana di ko nalang sila pinaalis agad kase nagprepare si tita ng halo-halo sana kumain nalang kami at gumaling na ang tonsilitis ko (para matuluyan nako.. galeng.. lubusin na! wahaha)..

-Namimiss ko ung Siberian Husky doon sa Bio Research sa Sesem..
Ang kyut! Akin ka na lang!

-Pero si Mini KYUT (Nini black nose!) pa din lab ko! Sana wag muna syang sumunod kila Gaddy..

-Wala na naman akong sense..

-As usual "ala lang" na naman ito..

-Sana next week di na ako senti, di ako ma-late sa work, at ma-figure-out ko na kung ano naman ang nangyayari sakin..

************************************

-Good Luck sa mga may panel interview sa Leo sa Wednesday.. TJ, Lovel, and Pau! Astig nyo! Yakang-yaka yan!


Tuesday, April 24, 2007

wala na naman

sad nakalunok ako ng gagamba kaya di ako nakapasok sa gma

masaya pa naman sana ang gagawin namin ngayon.. tsk

abnormal ko.. nilalagnat na nga ako't lahat eh nagbblog pako..

wala lang.. kase ayokong mahiga ng buong araw..

ayoko magmukang kawawa..

tska ang weird kase giniginaw ako samantalang parang lahat sila naiinitan..

hwoo..

anyway lungkot din ako kase aalis na si Ymon sa Wednesday..

grabe kalungkot talaga.. ayoko na muna isipin kase baka maiyak na naman ako..

huhu mami-miss ko talaga yung lokong yun...

nyarr tama na nga muna ang dramahan..

puro na kasi kadramahan ang pinaglalalagay ko sa blog na to eh..

pag na-depress type agad, kaya kung ano-ano kabalastugan nalalagay ko dito..

pero kinabukasan naman nawawala na din, makakalimutan na, tapos magsisisi ako bakit bi-nlog ko pa..

tapos parang gusto kong burahin kaso para naman akong tanga nun kse nag-blog ako para burahin lang!...

huweh..

wala na naman akong sense..

ganun naman lagi eh.. usually mga biglaang kung ano ano lang nilalagay ko dito kaya halos lagi walang sense.. kunyari nag-away kami o kaya feeling senti ako o kaya tulad ngayon nakakafrustrate dahil ang sakit ng ulo ko! mga bagay na hindi ko lang maayos o masabi agad o harapan kaya binoblog ko nalang..

hehe..

kadiri nga pag nababasa ko ung mga luma kong post.. parang ang pathetic, ang sarap kong batukan! pero ala lang.. at least nalalabas ko ung frustrations ko at hindi pa ko nababaliw (fully? har-har..) hanggang ngayon kahit may pagka-paranoid ako at hobby ko ang magworry at mag-isip..

sus.

ang haba na nito..

pero aun tulad ng iba kong blog entries.. wala lang to..

pero nakatulong din naman (sakin.. haha..)

i learn to move on. realize that things happen for a reason. be thankful for whatever i have now..

kahit parang wala lang..

baka bukas senti mode na naman ako.. o kaya feeling ko may galit na naman sa kin..

kaya aun bukas,

"wala lang" ulit!


hala!..


Sunday, April 22, 2007

under construction

i am tired.

i think i need to start building walls again.

in there,

it's cold, deathly silent, and lonely.

but it's safe.

no one will have to leave.

because i am alone in the first place.

no disappointments and broken trust.

a perfect place to rest.

but it has a big gaping hole

a remnant of the not so distance past

light was seeping in

and made me think that the outside world was so inviting

but maybe i was wrong because

when i look at it now

i realize that it's nothing but an ugly flaw to

my supposedly sturdy fortress

a sign of weakness..

a big gaping hole, that's all there is to it.

i am so tired

it won't be long before i decide

to crawl back inside

use that same darned hole,

patch it up

and make sure

that this time,

my walls are twice as strong.


(..?enola ffo retteb i ma .. erac t'nod tsuj ro ,tsurt ruoy kaerb ,evael rehtie lliw yeht)

?em emalb uoy nac tub ,truh teg i nehw edih i , drawoc citehtap a ma i


Sunday, April 15, 2007

gets ko na!

you have given me enough signs..so why can't i just forget about everything and move on?
i guess i'm just one heck of a stubborn fool..pero swear madali akong kausap
tsaka nagets ko naman na..believe me ginagawa ko na ang lahat para matigil na to..
sabihin mo lang at tatakbo akong palayo!..yuck andrama!
(buti na lang talaga walang way para mabasa mo to haha!
kundi mahirap na paliwanagan to no..buti na lang talaga.)

Ang kulit ng kantang to'.. astig! "pampagising" whoo!

Dont keep me dreaming
If all the hope is gone
If its all over
Dont keep me hanging on
I cant stay
And dream my life away
In some kind of wonderland
Better to hurt me honestly
Than make a fool of me
My heart will understand
Make it easy on me
Just walk away, set me free
Dont try to do it gently
Just to please me
Make it easy, easy on me
If its the time to go
If its the last goodbye
Never turn around
Dont want you to see me cry
Dont make me stay
And wish my time away
In some fools paradise
Dont give any hope to me
Spin any lines for me
Make the truth plain to see
Make it easy on me
Just walk away, set me free
Dont try to do it gently
Just to please me
Make it easy, easy on me
Better to hurt me honestly
Than make a fool of me
My heart will understand

Ayan, gising na ko! Gising na talaga pramis!
BABANGON NA!


Saturday, April 07, 2007

Nostalgia hits hard..


The last birthday party I've spent with Enang..
Wow ang liit pa ni Halston dito, si Tita Nilda ampayat pa! Nakakatawa kase naaalala ko dito na di pala ako ang original "klutz"! Si Enang pala un! Dati pala taga-tawa lang ako..

Eh ngayon.. sus. mas malala pa ang mga nagagawa ko jan..

May makakatalo kaya sa record ko ng mga nabasag na plato, natabig na mga bagay, times na nadapa, at nalaglag sa hagdan?.. hmm..

Miss u na Enang!!


Eto naman, sa Antipolo, ang saya-saya pa ng lahat dito.. (di katulad ngayon.. saaddd)

Sa pagkakaalam ko may tama ako dito. halata naman dahil namumula ako..

Ganun naman ako ilang bote lang lashing na..

Sush.

At nakuha pang magpa-picture


Eto.. bangag pic.. nung second year yata

Magagalit si Kan pag nakita nya toooo!

Ang bangag talaga ng itsura!..









Pero, eto, eto talaga ang dahilan ng post na to..

SI GODRICK!!!

Nakakaiyak.. pumanaw na siya last Tuesday!!!

Habang nangangarag ako nun sa GMA, eto naman palang si Godrick naghihingalo na sa heatstroke!! huhuhu..

Pramis naiiyak ako! Kahit na ambaho ni Godrick at mukha siyang utak namimiss ko siya..

Naalala ko.. 2 lang silang natirang anak ni Lilac.. ang liit liit nila para silang daga.. namatay ung kapatid ni Godrick na babae.. kakalungkot talaga.. kaya pinagdasal ko pa talaga na sana lumaki si Godrick tulad nila Lilac.. nakakatuwa kase talagang natupad un.. ang laki laki na nga nya cute pa tsaka bibo..

Hala.. tapos naalala ko din ung tym na pinapakawalan namin sya sa bahay.. tuwang tuwa si lola sa kanya.. si lola na ayaw talagang magpagala ng aso sa bahay.. pero un di rin matago ni lola na natutuwa siya kay Godrick.. Tapos tinuturuan pa ni Jasmin si Godrick ng mga tricks.. ung apir tska roll-over hahaha..

May video pa si Godrick na nakunan nila Jardine.. bitbit nya ung panty ni mama hahahaha.. Nakakatawa kase talagang gumala pa siya dala ung panty ni mama sa bibig nya..

Si Godrick din ung usual subject ko nung PHOTO 2.. kaiyak.. pag tinitingnan ko ung mga photos..

Si Godrick na mukhang golfball ung bibig, na may cute na hazel eyes, na nakalunok ng sulfur soap at natrauma pero nakasurvive pa rin hahaha.. na may malambot na paa, mukha, at ilong, na may matabang buntot, at chocolate brown na balat, na mabaho at mukhang utak dahil kulubot kulubot ang balat,

na sobrang luv ko pla at NA-MIMISS KO NGAYON!!!

huhuhuhu pramis naiiyak ako..

wawa naman si Godrick..

Ma-mimiss kita baho!!..


Friday, April 06, 2007

crispy crinkles na nasa microwaveable container!

Syempre di na naman ako makatulog.. Nasanay na kase sa puyat talaga.. Alas-dose nga kanina feeling ko alas-sais pa lang pramis.. Gumigising ako pinakamaaga ang 12nn..


Kaya eto nag-bblog na naman ako ng walang kwenta para antukin.. ang saya nga eh kase pag narerealize ko na talagang super walang sense na un pinagttype ko eh inaantok na ko tska siguro may epekto rin ang sobrang matagal na pagtitig sa monitor..


Napakasaya ko ngayong araw kase natupad ang pangarap ko na magkulong lang sa bahay ng isang buong araw! (ayos na pangarap di ba?..)


Kase lagi nalang ako umaalis.. Masasabi ko na ngayong taon na to ako talaga natutong gumala.. actually hindi gala.. more on "napadpad" sa kung saan saan.. salamat sa Aduk, sa SAC, sa Fuji at kung ano-anong pinagkaabalahan ko ngayong taon..


Ang saya-saya kase wala akong ginawa ngayong araw kundi makipag-chat, mag-friendster, mag-blog, magtulog, at kumain ng choco crinkles (ang sama ko talaga dapat nag-fafasting ngayon diba?.. kaya ako bumu-bochog eh! hahaha)


Speaking of choco crinkles..


Abnormal tong si Jardine..


Ganito kase yon, andaming uwi ni Mama na choco crinkles.. di ko alam kung san nanggaling basta ang dami.. Nakalagay siya sa microwaveable container at buong araw un lang ang kinakain namin.. bite-sized kaya subo lang ng subo.. mga bandang hapon nagsawa na kami.. etong si Jardine na na-bore na yata sa sobrang pagkain ng crinkles eh biglang may naisip.. (Akala ko naman sobrang bright ng idea nya)..


Kinuha ung isang container ng crinkles at nilagay sa MICROWAVE!


(Sabi ko na nga ba mas abnormal ang kapatid ko kesa sakin eh.)


Kaya pala tawa sya ng tawa.. sabi pa bakit daw hindi namin i-microwave ung crinkles eh nakalagay nga sa MICROWAVEABLE CONTAINER! hahhaa.. oo nga naman.. kaya ayun..


After cguro 3 minutes tsaraan meron na kaming SAMPALOK! Ung mga crinkles nanigas, ung confectioner's sugar tunaw na kaya black na lang sya (wala na yung parang powder na white), tsaka sobrang nag-shrink sya.. as in mukhang sampalok na talaga! Tapos nag-dikitan pa sya, tapos eto pa talaga katangahan kasama ung parang papel sa ilalim nung container nung minicrowave ng kapatid ko kaya aun, nagdikitan ung mga crinkles na nasa bottom ng container dun sa papel!..


At ang pinakamaganda sa lahat, kinailangan naming KAININ ung kabalastugan ng kapatid ko dahil nagalit si mama! Kaya ayun.. nag-enjoy kami sa dinner namin na Choco Crinkles-na mukhang Sampalok-na may papel papel pa- at ang pinakaimportante sa lahat eh nakalagay sa MICROWAVEABLE CONTAINER!!!!


pucha.. at least lasa naman syang cookies..


crispy crinkles..


oh di ba, genius?


abnormal talaga!


haha.


Thursday, April 05, 2007

kala ko bakasyon ako

Sobrang nakakapagod tong araw na to..
Kaya himala nga nakakapag-blog pa ko ngayon..
Eh kase naman..

04/04/2007
*************************************


Aun tumawag si Tj kanina cguro mga past 12 at as usual ngarag na naman ako kase
tulog ako nung tumawag sya.. at un nalaman ko nga na may "update" na tungkol sa sa Leo..
kaya tumawag naman ako kay Steph at nalaman ko na ngayon pala scheduled ung battery test namin sa Leo.. kagulat sobra kase hala.. kulang ako sa tulog dahil mga past 7 na siguro ako nakatulog dahil nga binago ko ang lay-out ng blog na to..


Anyway wala nang atrasan, sugod na sa test at isa lang masasabi ko.. sa GMA na lang ako ang hirap ng test sa Leo!!!!! (haha jokies lang tsaka pla di lang isa ung sinabi ko wahhaa..) Pero promise ang hirap nga.. kangarag din ung sa GMA pero hala matutuyuan ka dito sa Leo.. wag ka at di pa un tapos may interview pa with (quoting Ma'am) the "bosses of Leo Burnett" di ko alam kung kelan scheduled un at kung makakaabot pa ba ko dun pagkatapos ko babuyin (yessss.. the term..) yung test kanina.. nyaarrrr..


Mahirap yung test kase nakakatense at nakakapressure.. hala tsaka iniisip mo pa na "dito nakasalalay future advertising career ko..." huhuhu..


Kaya un natense na yata ako at wala nang nagawang matino.. grabe.. sana pumasa man lang ako dito... hehhe..


Gabi na nang matapos kami at nakakagutom at nakakauhaw talaga sobrang natetempt nako bumili ng white choco mocha sa Starbucks sa ibaba ng Enterprise Bldg kaso lang katakot baka kase maubusan ako ng pamasahe..
wala kase akong pera kanina at naiwan ko pa ang cel ko sa bahay dahil sobrang biglaan talaga nitong test na to.. hala akala ko pa naman talaga magtutulog lang ako ngayong week pero so far, dalawang beses na nasira ang plano ko..


Tapos un nag-intay pa kami ni Tj sa Jobi at nag-isip kung magpapasundo kami dahil di ko malaman kung may masasakyan pa ba kami pauwi dahil nga syempre nagsasarahan na ang lahat ng mga establishments dahil Maundy Thursday na bukas at parang wala nang tao sa Ayala..konti na din ang sasakyan.. ang marami pang-construct ng kalasada..nyaarr


Sa di malamang dahilan ayaw pa sagutin ni mama ang tawag kaya napilitan na kaming umuwi mag-isa at napakagaling dahil sobrang traffic pa sa EDSA! Nakakahiya na sa Nanay ni Tj dahil tagal nya magiintay at birthday pa niya kanina .. (HAPPY BIRTHDAY PO!)..
After 10 years nakarating na ang bus sa Mento at aun diretso kami agad sa Mcdo dahil sobrang gutom na talaga kami.. ayaw pa mamigay ni kuya ng gravy pero bakit nung si Tj ang humingi binigyan sya!? (daya!)


At ngayon inaantok na ko.. di ba obvious.. kung ano ano na nilalagay ko dito sa blog natoooo.. sorrrryy.. zzzZZZZZZZZ.


Wednesday, April 04, 2007

new look

wahhheyyy.. new look for the boring blog..


"borrowed" the lay-out from blogskins.com then tried to edit some parts of the code..


i was originally planning to create my own lay-out but then again, i realized that i've already forgotten most of the html lessons that my brother taught me.. wooo..


besides, i haven't got much time.. 5 more bum days left.. huhu..


**************************************



i changed the title to "wala lang" since it seems that i love that phrase so much..


tsaka nagkakamatay na mga doggie namin.. kaiyak.. (rest in peace godrick & lance T_T) ayoko na gamitin ung "dog" baka ako na ang sumunod na mamatay.. hahaa..


*************************************


alsoo.. finally figured out how to show the comments count on my blog page.. gawd, finally, after a long time..


i think changing the "comments moderation" thing did the trick..


i was just wondering whether people who give comments on blog entries could be identified..( i guess not because i know of a certain person who fusses over anonymous people who leave rather, harsh messages on her blog.. ooh tough luck..)



now im scared....


because in the process of fixing the comments count code, i have enabled public comments for my blog, (moreso because it seems that there's no way to identify people leaving comments unless they decide to identify themselves )..


maybe hate mails would start flooding my inbox soon!!.. (haha.. JOKE!! feeling!!.. whatever.. secret nga lang halos tong blog na to eh.. mabibilang ko lang ang mga taong may alam nito..)


anyway, the tagboard is also up and running though i can't figure out how to automatically update the posts.. everytime i post something the tag gets stuck and i have to refresh it before i see the changes.. as a result, i tend to flood my own tagboard! gawd, i'm so stupid..


*******************************


i completely removed the pictures.. i'll just post pictures on friendster or maybe my
future multiply account.. yeah, i'm still contemplating whether i should create a multiply account or not.. so Tj and the others who had given me multiply invites, stay put and be patient! hahaha ang dami na kasing mga kung ano-anong account nakakalito na rin!




so there, minor changes.. whatever, who cares anyway.. i'm just happy because i made my blogging life simpler..


Tuesday, April 03, 2007

excited

okay bum week starts today..
have to make the most out of this week kase last na to..
next week start na ng hell a.k.a work..
nyarr..
kagabi nga interview palang nangarag na ko..
tpos nag-intay ako ng sobrang matagal dun sa harap ng gma..
kase natraffic sila tita..
at nakakahiya kila lovel and pau kase inintay nila ko pati tuloy sila nadamay..
(sorry po!)
dapat talaga di nako pumayag magpasundo kaya ko naman umuwi!
yan ang napapala ng gustong makalibre sa pamasahe! hahaha
anyweiz, parang natatakot akong magwork sa isang network, kahit parang ojt lang naman to.. la lang lagi naman akong takot.. pero ok lang din kase lam ko may matutunan ako dito..
tska magandang training na din..
gusto ko talaga sa isang ahensya.. kaso lang ung sa leo medjo alanganin pa ata..
nyarr.. sana maayos na namin ang gulo sa singko agad.. kase dun ko talaga sa leo gusto magwork haha.. feeling na naman ako.. pero nde.. pag nabigay talaga sakin ung chance na magtrain dun i will give my best.. kase pangarap ko talaga ang makapasok sa isang ahensya!! ahuhu yess pangarap!!!
********************************************
excited...

yep excited ako kase reregaluhan ako nila ninang susan ng digicam!...

sfhsjhfjsdfsdwhwehfy.. huwaahh excited na ko talaga.. kase mdjo nsa top ng wishlist ko ang digicam..

happy-happy-happy! woo!

aun kase tinanong lang nila ninang kung ano gusto ko gift para sa graduation

wow napakahirap na tanong kase madami akong gusto syempre! (sugapa!)

kaya sabi ko cash na lang (haha kapal ng mukha!)

plano ko talagang mag-ipon unti-unti para bumili ng digicam pag nagka-suweldo na ko..
pero binilan nako nila ninang kaya ang saya saya ko!!!!!!!! grabehh! ngayon lang ako nabigyan ng ganitong gift huhuhu kaiyakkk.. tapos dinagdagan pa yata ng webcam at ng flash drive.. huwaaww.. hihimatayin na yta ako sa tuwa hahha.. hala kung ako lang siguro mag-iipon malamang abutin ako ng taon bago ko mabili ung mga un.. syempre kahit magka sweldo man priority sila mama, si jardine, at ang meralco! haha (labyu guys!) haha di nga.. kaya desperado na ko ngayon sa work! la na pahinga pahinga.. sugod agad haha!

aun excited.. ano kaya gagawin ko pag dumating na ung package?!

nyahahahah..

salamat talaga!

pero nahihiya talaga ako kila ninang sobra! nakakahiya talaga ako! ang hirap na ng buhay ngayon tapos binigyan pako ng madaming gift.. halaaaaaaa..

pero anyweis, thank you, thank you,

may kapalit naman pala ang sangkatutak na stress..

sana lang talaga maayos na ang mga gulo..

gotta keep hopes up.
***********************************
aun bum ako ngayong week.. magtutulog ako at magtatago sa mundo kase wala na rin akong pamasahe inubos ko na lahat ng pera ni mama nung adukasyon days..

haha speaking of adukasyon.. miss ko na fellow adukados ko!

tska napapaginipan ko ung lamig ng Ateneo Blue Room! haha kaya pala BLUE room (huweeehhh ano un?!)

ahhhrrr basta.. miss ko na sila lahat.. kahit kangarag ang adukasyon, napakasaya naman at madami akong natutunan!

miss ko na kayong lahat lalo na ang MC CLANG JEBBERSON!!!!

ok lang kahit di tyo nanalo guys! masaya naman!

kaya kanta na tayo ng "congratulations! congratulations!".. hmm with matching hand movement choreographed by lovel! hahahha

c'mon guyzzz.. let's forward the passion!!!! (un oh, di pa makaget-over!)


re: erased blog entries

ok babawi ako.. since inamin ko na din naman ung alam mo na


di ba tinatanong ko sa sarili ko kung bakit kaya kahit kailan hindi kita matiis?


palagay ko alam ko na ang sagot matagal na.. di ko lang maamin..


Was It Something I Didn't Say - 98 Degrees

Something I didn't say
Something I didn't say

Spending another night alone
Wondering when
I'm gonna ever see you again
Thinking what I would give
To get you back, baby

I should have told you how I felt then
Instead, I kept it to myself, yeah
I let my love go unexpressed
'Til it was too late
You walked away

[Chorus 1:]
Was it something I didn't say
When I didn't say, "I love you"?
Was it words that you never heard
All those words I should have told you
All those times, all those nights
When I had the chance to?
Was it something I didn't say?
(Something I didn't say)
Was it something I didn't say?
(Something I didn't say)

Always assumed that you'd be there
Ooh, ooh, couldn't foresee
The day you'd ever be leaving me
How could I let my world
Slip through my hands, baby?

I took for granted that you knew, yeah
All of the love I had for you, yeah
I guess you never had a clue
'Til it was too late
You walked away

[Repeat chorus 1]

[Bridge:]
Oh, oh, all the words were in my heart
Well, they went unspoken
Baby, now my silent heart
Is a heart that's broken
I shoulda said so many things
Shoulda let you know
You're the one I needed near me
But I never let you hear me

[Chorus 2:]
Was it something I didn't say
When I didn't say, "I love you"?
Was it words that you never heard
All those words I should have told you
All those times, all those nights
When I had the chance to?
All those times, all those nights
When I had the chance to
Was it something I didn't say?
(Something I didn't say)
Was it something I didn't say?
(Something I didn't say)

Something I didn't say
(I'm so sorry, girl, so sorry)
Something I didn't say
(I'm so sorry, girl, so sorry)

Something I didn't say
Something I didn't say

(yuckies.. ang baduuy ko talaga minsan.. pero gusto ko tong
song na to kahit ano pa isipin nyo haha)


aun o.. nagtatago nga ba ako ngayon?


la lang baka kase di ko na makayanang manahimik pag nakita kita ulit..


(masama pa kase.. syempre, malamang u don't feel the same way and i might scare you away (na ni-ririsk ko na mangyari ngayon.. kahit slim lang ang chance para mabasa mo to..).. basta ayoko nga un mangyari..)


pero sabi ko nga lagi naman kitang di matiis..


pano na kaya?..

sorry talaga di ko rin alam kung bakit ko nararamdaman to eh.. if there's any way to stop this please tell me!!! asap!

(un, note to self: wag buburahin ang entry kahit pa masaktan or matauhan na wala talagang pag-asa ekek.. hahaha)

**********************************************

"little steps..
striving to
open up
even by just a little..
too much silence
is sometimes..
so confining.."


trying to "open up"



diagnosed with tamaditis, i write this entry. i type sluggishly, my mind saying that i should stop because this is useless.. i'm wasting time, writing about nonsense to be able to escape what i really feel.. but then again i realize that it is through writing that i am able to express things that i can't openly say/show.. (again i can picture ms. psychologist sans the degree's smug face as if saying "see,i told you").. ahhh.. long story and besides, that's not important.. just that i realized that blogging indeed, helps calm my often confused emotions and extremely paranoid mind..


anyway.. i'm blogging so that means that something's bothering me right now..


"bothering".. ooh.. what an UNDERSTATEMENT..


Limbo. Flurry of emotions. whatever.


ahhhh!!!!!


I'm at the brink of losing my mind!


stress! emotional, physical, psychological! i badly need rest.. but it seems that now's not the time to rest.. to just let go..


*******************************************
err.. yeah.. a lot of achievements.. fun at first but then, after some time you suddenly realize that it's not really "that" fun.. because all things, it seems, have a downside to it.. sorry.. i guess stress has already taken it's toll on me..


ahhhhh!!! i know i shouldn't be saying this..


it's just that "recent events" had greatly dampened my once ecstatic and hopeful spirit.. (whatever.. i hate my own words.. too cheesy.. uber-cliched.. yuck)



awayan at plastikan na walang katapusan!!! bakit ba di nalang magharapan at magmurahan, sabunutan kesa magpanggap na okay ang lahat with matching joketym parang interlude sa napakahabang dramahan at galit sa isa't isa!

ayan na naman.. di naman talaga ako directly "involved" sa issue na to pero naaapektuhan ako.. wla lang kase ang sakit sa heart (un oh..) na makitang nagkakaganito after ng lahat ng pinagdaanan.. at bakit ngayon pa, sa lahat ng panahon?


there, again, long story.. but it really pains me that everything must lead to this.. i've already learned to love these people so much.. i guess it's understandable why i'm feeling this way..

hindi tayo dapat nagkakaganito.. bakit nga ba? at tsaka kelan pa to nagsimula?


bakit lumaki ng ganito?...



it was as if i don't know them anymore..


it's that kind of situation wherein you feel like you've been hit right between the eyes and kablam!!


at first you feel dizzy, confused


then after awhile, you realize that you're deeply hurt


but then you try to get up, as if nothing has happened to prove to the world that you're tough..


yeah right..


but god, I AM NOT TOUGH.


and it drives me crazy everytime i realize that..


shet.. ang sakit talaga.